hindi ko alam kung ako lang, pero palaging humihirap yung buhay-akademiko ko kapag wala ako sa mainit na yakap ng campus. tuwing umuuwi ako kapag weekend, o di kaya kapag naka-bakasyon, palaging akong nalulugmok sa ilalim ng kumot ng madilim kong kwarto. siguro dahil bumabawi pa rin ako sa dalawang taong pandemic pero dalawang taon na yung nagdaan pero litong-lito pa rin ako sa estado ng pag-aaral ko.
tanda ko 'tong kuha na ito, sembreak at wala gaanong tao sa campus. tanghaling tapat pero nakuha ko pang tumambay sa fpark at tumanaw ng mga high school students na nagpapractice. ako, maraming tambak na gawaing naiwan sa apartment. maraming backlogs, maraming hinahabol na INC. hindi ko alam kung bakit mas malungkot pa ko na hindi ko nakikita yung Carillon tower ngayon kesa don sa hindi ko nahabol na INC at gulo-gulo kong academic records. sana nasa elbi ako ngayon, sayang malilim pa naman.