Several years ago, mayroong Filipino cover ng "Do You Hear the People Sing?" sa YouTube titled "Nadirinig Mo Ba'ng Madla?" na ngayon ay deleted na dahil deleted na rin ang mismong channel. Iba ito sa "Di N'yo Ba Naririnig?" translation na mas kilala bilang isang protest song. Gumamit ng mga clips mula sa Heneral Luna ang video ng "Nadirinig Mo Ba'ng Madla?" Gusto kong malaman kung may nakapag-archive ba nito, o kung active pa sa social media ang nag-cover nito, o kung may nakapag-transcribe man lang ng kumpletong lyrics. Ito ang lyrics ng chorus: Nadirinig mo ba'ng madla? Awit ng bayang nasadlak Tumatanggi sa panlulupig At muling pagkabihag 'Pag ang alab ng dibdib Tumaginting nang dalisay Siyang hudyat ng isang Bagong bukang-liwayway
Unfortunately, hindi ko tanda ang lyrics ng unang verse. Pero tanda ko ang second verse: Ikaw ba'y namamanata Sa bandila't bayan mo? At babangon sa digmaan Sa hilahil at unos? Sa'ting dugo't pawis Ang bayan ay matutubos! May kaunting pag-sample ng Lupang Hinirang bago ang huling chorus na may ibang lyrics. Hindi ko tanda ang kabuuan ng huling chorus; naaalala ko lang ay "Nadirnig mo ba'ng madla/Awit ng bagong pag-asa" sa umpisa at "Pagkasikat ng araw/Tayo'y malaya na!" sa dulo. Sa ngayon, tinuturing kong lost media ang kantang ito.